top of page
Search

Wagayway ng Bandilang Pula

  • Writer: Lucky Dela Rosa
    Lucky Dela Rosa
  • Sep 26, 2018
  • 2 min read

Isang reaksyong papel tungkol sa pelikulang Battleship Potemkin.

“Revolution is war. Of all the wars known in the history it is the only lawful, rightful, just and truly great war.” – Lenin, 1905

Ang rebolusyon ay walang pinipiling oras, lugar at panahon, sapagkat sisibol ito kahit di man tinakdaan kapag umusbong ang kahirapan, pang-aalipusta, at tiraniya. Ilan lamang ito sa aking mga natutunan matapos kong mapanuod ang pelikulang Battleship Potemkin (1925) ni Sergie Eisenstein.


Agaw atensyon ang simula ng pelikula, malalakas na hampas ng mga alon at ang madramang tunog na nakakasabik. Hanggang malaman ko na ito pala ay isang silent film na nakikipaglaro sa ating imahinasyon, at pinapagana ng kilos ng mga tauhan.

“Comrades! The time has come when we too must speak.”

Naglunsad ng rebolusyon ang mga manggagawa ng Potemkin upang labanan ang di maayos na pagtatrato sa kanila. Sa katunayan, mas uminit at kumulo ang dugo nila ng pilitan silang ipakain ng bulok na isda ng mga opisyales ng barko. Ngunit, sila ay nangatwiran at wala ng ibang maisip kundi ang pakikibaka at ang paglaban sa kanilang mga karapatan.

Mas lalaong tumindi ang kwento nang papatawan ng pagpatay ang sinumang hindi kumain ng bulok na karne. Pinaluhod sila at tinakpan ng malaking tela upang humantong sa hukoman – ang firing squad. Inutosan ng opisyal si Vakulinckuks na barilin ang mga di kumain ng karne ngunit hindi niya ito sinunod. At ito ang simula ng pag-aaklas ng mga manggagawa.

Nagsimula na ang rebolusyon at naging makasaysayan ito sa lugar na kung tawagin ay “The Odessa Steps”. Sa lugar na ito, nagsama-sama ang lahat ng batayang sektor tulad ng kababaihan, kabataan, at ang mga manggagawa. Kalauna’y naging paraiso ng dugo at bundok ng katawan ang hagdanan dahil pinatay sila ng mga armadong militar. Bunsod din ito ng pag-alab ng komunismo sa Russian Revolution noong 1917.

“The Flag of freedom fluttering over her.”

Itinaas ang bandilang pula sa kabila ng karahasan at digmaang nangyari. At sa gitna ng laot mula sa port ng Odessa, nagkasalubong ang Potemkin at ang Tsar ngunit tumanggi Tsarist na magkaroon ng putukan. Ipinakita ng dalawang grupo ang solidaridad habang sila’y papunta kanilang iba’t ibang destinasyon.

Naiiba at natatangi ang digmaang bayan sa lahat ng giyera ng kasaysayan, bagkus, ito’y lumalaban sa sistema ng social inequality. Naipamalas ito ng Battleship Potemkin at talagang napaka esensyal ng mensaheng bitbit nito sa kasaysayan ng pelikula.



 
 
 

Commenti


© 2023 by The Artifact. Proudly created with Wix.com

bottom of page