Race and Justice in America
- Lucky Dela Rosa
- Dec 11, 2018
- 2 min read
Sa tuwing ako’y nakakakita ng mga taong puti ang balat noong ako’y bata pa, inilalarawan ko ito bilang isang Amerikano o kano dahil hindi likas ang mga pagkamaputi sa Pilipinas. At kung meron man akong ibang bagay na mailalarawan sa kanila, ito yung pagiging mayaman at pagkakaroon ng progresibong buhay. Ngunit sa paglipas ng panahon, tuluyang nagbago ang pananaw ko ukol sa mga Amerikano. Na ‘di lahat sa kanila ay maputi at mas lalong ‘di usapin sa kulay ang pagiging progresibo.
Sa aking panonood ng pelikulang “Do The Right Thing”, pinukaw ako nito sa mga suliraning kinakaharap ng mga Black Americans sa ilalim na kanilang bansa. Makapangyarihan ang pelikula sa pagsasalarawan ng etnisidad ukol sa komunidad ng Bedford-Stuyevesant, Broklyn sa Amerika. Sa nasabing komunidad, iba’t ibang mga lahi ang naninirahan sa lugar ngunit kahit ganito ay magkakakilala pa rin sila.
Pero bakit nga ba hindi ito tipikal na pelikula?
Sa Bedfor-Stuyevesant, karamihan sa mga naninirahan ay Black Americans maliban sa dalawang mga negosyante sa lugar. Ngunit isang araw nang magkagulo sa lugar, at brutal na nasakal ng mga pulis ang isang black American dahilan ng pagkamatay nito. Umugong ito ng iba’t ibang galit para sa mga nanirahan doon kaya’y may nangyaring riot sa lugar.
Matindi ang rasismong nangyayari sa lugar, at ang usapin ay ‘di lamang nakasubsub dito kundi kalakip na rin ang kabuuhan na estado ng Amerika na hindi tinuturing ang mga black americans bilang tunay na amerikano. At, dito ko binasa ang salitang hustisya na siyang matagal nang hinahangad ng black americans lalong lalo na ang pagkakaroon ng pantay na karapatan tulad ng mga amerikanong puti ang kulay ng balat.
Sa kabuuhan, isa ito sa pinakapaborito kong napanuod na pelikula. Maayos ang characterization, malinaw ang estorya, at maayos ang representatsyon nito upang maipaintindi ang suliranin ng mga taong biktima ng rasismo.
Comments