Di Pang-Karaniwang Estetika
- Lucky Dela Rosa
- Oct 23, 2018
- 1 min read
Ilang dekada na ang nakalipas nang magawa ang pelikulang Notorious (1946) na isang American spy film noir ni Alfred Hitchcock pero mapa sa hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ito ng karamihan sa buong mundo. Nakakapagtaka nga, ngunit mas nakakapagtaka kung bakit naman hindi? Kahit saang website ka pumunta upang magbasa ng reaction o review, pare-pareho lang din ang iyong mababasa. Sinasabi ng mga manunulat na ang Notorious ay isang perpektong pelikula.

Higit pa sa pagka-perpekto, mailalarawan ko ang Notorious bilang isang pelikulang mayroong di pang-karaniwang estetika sa paggawa at pagsasadula. Maayos ang pagkasulat nito Ben Hecht’s kung saan ipinakita niya ang kaunlaran ng kwento gamit ang paraan ng love triangle sa pagitan ng tatlong tao – isang Nazi Villain, federal agent, at ng isang babae.
Ayon kay Richard von Busack, (“Notorious is in the world of film noir but not of it; it’s a tough and dark film that’s also one of the finest women’s pictures ever made,”) at ani naman ni James Path na ito isang, (“Romantic Melodrama. If Contemporary viewers think of “Notorious” in those terms, it will strike them as classical it’s became.”)

Maliban dito, natatangi din ang mga anggulo o sinematograpiya ng pelikulang ito kung saan nakilala si Hitchcok’s. Mapapansin ito sa scene kung saan kagigising lamang ni Alicia at okupado siya sa pagkaroon ng hangover. Bukod dito, nagpakita pa ito ng mas malalim na talinghaga sa kabuuhan ng kwento at mga pangyayaring maaring kahahantongan.
Comments