Musika ng Pakikibaka
- Lucky Dela Rosa
- Oct 16, 2018
- 2 min read
“Five hundred twenty-five thousand Six hundred minutes
Five hundred twenty-five thousand, Moments so dear
Five hundred twenty-five thousand Six hundred minutes
How do you measure, Measure a Year…
How do you measure, A year in life?
How about love?
- Seasons of Love by Jonthan Larson
Hindi tulad ng mga ordinaryong pelikulang aking napanuod na kronolohikal ang pagsasadula, iba ang ‘Rent’ sapagkat ‘non-linear’ itong ikinuwento ng manunulat at direktor. Nang ito’y ipinalabas na sa klase, nagulat ako kung bakit nasa teatro ang panimula hanggang napa-isip ako na baka theatrical film ito. Kumpirmado nga at hindi ko rin maiitatangi na iba ang hatak nito sa akin.
Nakita ko ang kalakasan ng pelikula sa larangan ng teatro at musika. Lalo na nung nalaman kung ito’y isang adaptasyon mula sa isang Broadway musical noong 1996 base sa Opera La Boheme ni Giacomo Puccini. Pero bakit nga ba natatangi ang pelikula? Higit pa sa mga magaganang liriko ay ang pagtalakay sa isyu ng seksuwalidad, droga, at human immunodifficiency virus o HIV.
Ipinakita sa pelikula kung paano hinarap ng mga artista ang mga suliraning naibanggit kanina, at kung paano nila ito tinanggap. Ngunit bago ang lahat, kilalanin mo na natin ang mga karakter. Si Mark Cohen ay isang struggling filmmaker, at mga pawang HIV-positive naman sina Mimi Marquez at Roger Davis na dating drug-addict at rock musician. Samantala, si Tom Collins naman ay isang propesor ng Pilosopiya na mayroong AIDS.
Itinulay ng musika ang kanilang mga buhay, at musika din ang naging instrumento upang maipahayag nila ang kanilang mga sarili. Naging magkasintahan sina Angel at Collins at ipinahayag nila ito sa kantang (“I’ll cover you”). Tulad nila, ibinunyag naman nila Roger at Mimi ang kanilang nararamdaman, at bilang isang HIV-positive sa kanta na (“I should tell you”).
Naging bukas naman ang pelikula sa pagtanghal ng aspeto ng seksuwalidad ukol sa mga taong may iba’t ibang orientasyon. Pinatay nito ang social norm ukol sa dalawang uri ng kasarian at binuksan ang katotohanan na naiiba ang sex sa gender orientation ng tao.
Samantala, saludo ako sa mga gumanap ng pelikula sa pagpapakita ng kagalingan sa pag-arte at pag-kanta. Sa Musical scorer, na bumuhay sa buong pelikula, sa cinematographer na siyang nanguna upang buhayin ang aspetong visual, at sa manunulat at direktor na taga pag panggulo sa paggawa ng pelikula.
“There is no future, there is no past
Thank God this moment’s, Not the last
There’s only us, there’s only us
There’s only this, there’s only this
Forget regret, forget regret…
No other road, no other way.”
Comentarios